MyFreeCopyright.com Registered & Protected

Best Thing You Never Had. ∞
College Frosh. Bachelor of Science in Accountancy.


home ask Tagged Posts Twitter Facebook Formspring
posted: 09/24/12 · · reblog

Yung mga lalaking may girlfriend, pero nanliligaw na ng iba. Yung totoo, mauubusan ka ba? 




posted: 09/24/12 ·2 ♥ · reblog

For the girls out there. 

Babae tayo. Tayo dapat ang inaalagaan, pinapahalagahan, minamahal at higit sa lahat, hinahabol. Hindi yung tayo ang maghahabol.

Lahat tayo nagmamahal, kaya aminin mo man o hindi, nagpakatanga ka na rin minsan. Yung iba, sumosobra lang talaga. Sige, sabihin na nating ayaw mo siyang mawala sa’yo kasi mahal mo siya, pero paano kung siya na mismo ang gumawa ng dahilan para mawala siya, dapat ka pa bang kumapit? Wag na. Hindi masama ang maglet go. Mas masasaktan ka lang pag pinilit mo pa yung gusto mo.

Hinabol mo siya ng once, okay na yun. Atleast, sinubukan mo pa ring ayusin at isave yung nasimulan niyo. Kaya kung alam mong ginawa mo na lahat ng makakaya mo, pero naghanap pa rin siya ng iba… TAMA NA. Wag mo nang pahirapan ang sarili mo, pakawalan mo na.  Sabihin na nating masakit, pero sa una lang yan, sooner or later, masasanay ka rin. Totoo, magiging bitter ka, pero unti-unting mawawala yan. Tapos, matatawa ka nalang dahil iniyakan mo pala siya. At kapag dumating ka sa point na yun, you’re already a better person.

Iwan ka man ng isang tao, hindi sapat na dahilan yun para magmukmok ka. Sige, umiyak ka sa loob ng isang araw, pero yung araw-araw namumugto ang mata mo, araw-araw na para kang pinagbagsakan ng langit at lupa. Aba te, kinarir mo naman! Minsan habang nakikita ka niyang miserable, mas mananadya yan. Kaya kung ako ikaw, pakita mo nalang na hindi siya kawalan sa’yo… and that you don’t need a bs in your life. Maraming tao sa paligid mo, socialize. Malay mo, andun lang pala sa tabi-tabi yung taong di ka sasaktan, hindi mo lang nakikita dahil nagbubulag-bulagan ka.

Hindi mo kailangang magbago para sakanya. Kung hindi niya tanggap kung ano ka, hindi siya karapat-dapat sa’yo dahil kung talagang mahal ka niya, kahit gaano pa kagaspang o kaya maging amazona ka man sa tapang, hinding-hindi ka niya iiwan. At lalong hindi ka niya sisihin dun, dahil simula palang alam niyang ganun ka.

Go with the flow, kung nasaktan man ang pride mo dahil pinagpalit ka niya(worst sa isang taong di mo pa akalain), hayaan mo siya. Tandaan mo… Hindi ikaw ang nawalan. Tanga’t g*go lang ang taong nasa harapan na niya yung taong handang ibigay ang pagmamahal sakanya, pero nakuha pang maghanap ng iba.




posted: 09/24/12 · · reblog

tags: #GPOY


posted: 09/24/12 ·36 ♥ ·via · reblog

Hindi porket ayaw ka mawala ng tao sa buhay niya eh mahal ka niya. 

hegotmyattention:

May mga tao lang talagang takot pakawalan yung mga taong palaging nandiyan para sa kanila at yung importansya na binibigay mo na hindi kayang ibigay ng iba sa kanila. Ang unfair nila noh? Sila nakikinabang sayo pero ikaw, konting hingi mo lang ng tulong hindi nila matugunan .




posted: 09/22/12 ·1 ♥ · reblog

“Ang taong malakas ang loob makipaghiwalay, may reserba.” © Twitter 

Minsan sa madalas, totoo yung quote na yan. Mayroon kasing mga tao na patago o kaya patalikod kung gumalaw. Smooth moves ba kumbaga. Well-planned pa nga minsan. Yun yung tipong, kayo pa, nanliligaw na ng iba o kaya, worst, may iba na. Yan yung mga taong masarap ihulog sa bangin dahil hindi makuntento. Meron pa ngang instances na, hahanapan ka nila ng butas just to blame you and make their hands clean. Pero gaya nga ng kasabihan, “Walang lihim ang hindi nabubunyag.” Lalabas at lalabas din na sila talaga yung may mali at mapapasama sila. At sa panahon na yun, it’s your turn to rejoice.




posted: 06/19/12 · · reblog

"Ito lang masasabi ko, based on my experiences, you have to really let go of something or someone. Gaano man kahirap, gaano man kasakit, you really have to do that. Pero, I don’t believe in the saying that ‘if you love someone, you have to set him free.’ Kalokohan lang ‘yun. Dahil, kung talagang mahal ka niya, hindi siya gagawa ng dahilan para pakawalan mo siya. Learn to move on, forgive and forget. Kelangan niyong matutunang kalimutan ang nakaraan, kailangan niyong matutong magpatawad sa mga nagkakamali sa inyo. Kung Diyos nga pinatawad tayo, tayo pa kayang mga tao ang hindi magpapatawad, that’s wrong. Kailangan niyong tanggaping hindi lahat ng tao, lagi niyong makakasama habambuhay. Kung may mang-iwan man sa inyo, pabayaan niyo sila, it’s their decision to leave, pero siyempre, if someone important left you, masakit yun. On the other side, it’s your fault, isipin niyo ‘to, kung hindi niyo ba pinahahalagahan yung isang bagay, at kapag nawala yun, iiyakan niyo ba? Certainly not, ganun din pagdating sa mga tao, kayo mismo ang pumipili kung sino ang bibigyan niyo ng halaga. Pinipili niyo yung mga bagay na bibigyan niyo ng halaga."
— Recycled Hearts




posted: 06/12/12 · · reblog

Bago manghusga ng kapwa, siguraduhin muna malinis ang sariling kamay. 

May mga babae na naiinis kapag may nagpapansin na ibang babae sa lalaking gusto nila. Okay lang sana kung GF sila, pero kung ex nalang, I find it wrong. For my opinion lang naman. Dahil nga ex nalang, ibig sabihin, wala na sila. So bakit affected pa rin siya? Tsk. Tapos, pagsasabi pa niya sa mga friends niya. Tapos kitang’kita pa nung pinag-uusapan nila yung usapan nila tungkol dun. Sinong nagmukhang ‘aso’? De syempre yung ex na nagpasimula ng usapan.

Bakit di muna tingnan nung ibang babae yung sarii nila? Tingnan nila kung hindi ba sila yung ganun? Yung tipong nagpapapansin sa lalaki? Yung ikaw pa mismo manghihingi ng number nung lalaki, tapos ikaw pa magfifirst move kuno na magsasabing, ‘Sino crush mo?’ tas pag tinanong nung lalaki kung sino yung sa kanila, ang sasabihin ay yung lalaki. Pinaglihi lang ba talaga sa aso, mahilig humabol e.

Tandaan, bago manghusga ng kapwa, siguraduhin muna malinis ang sariling kamay.




posted: 06/10/12 ·3 ♥ · reblog

Srsly, ang daming nagsasabi, kamukha/kahawig daw niya si Kim Balot. Totoo ba?


tags: #kim balot


posted: 06/9/12 ·2 ♥ · reblog

Usapang Jeep. 

Ito ang karaniwan na mga problema kapag sumasakay tayo sa jeep.

  1. Mataas na tapakan - Ito yung nahihirapan kang humakbang dahil nga mataas yung tapakan ng jeep. Hassle pa lalo kung nakapalda ka pa.
  2. Masikip na daanan - Iba-iba kasi yung lapad ng ‘daanan’ ng jeep, yun bang sa gitna, merong malapad, may masikip. Siyempre, masikip nga kaya mahirap maglakad ng nakayuko, tapos, minsan pa, maraming mga gamit sa may sahig kaya mas nakakasikip, kulang nalang sagasaan mo yung mga yun pag naglalakad ka para makaupo.
  3. Bingi at walang kamay na mga pasahero - Sila yung mga pasahero na kahit ilang beses mong paringgan ng, “Paabot nga ho ng bayad.” ay akala mo walang mga naririnig. May tenga at kamay naman sana. Madalas ako makaencounter ng ganito. Malas mo nalang kung karamihan sa makakasakay mo sa jeep ay ganito dahil mangangawit ka na kakaabot ng bayad, pero sila, walang pakialam.
  4. ‘Makiusog nga ho’ na mga konduktor - Yung ibang jeep kasi siyempre, para hindi hassle sa driver, merong konduktor. Meron namang mababait na konduktor, pero, meron din namang hindi mo mawari ang ugali dahil, sasabihin sa mga pasahero, “Makiusog na nga lang ho ng onti sa kaliwa/kanan.”, “Kasya pa yung 1 diyan oh, onting asog lang ho.” Eh, kita naman sanang napakasikip na sa upuan, gutom lang sa pasahero Kuya? -_-
  5. Kaskaserong driver - Hay. Sila yung mga mapapakapit ka sa inuupuan mo dahil sa bilis nilang magdrive. Meron namang iba eh yung akala mo mauubusan ng daan.
  6. On-the-rush - Ito naman yung mga jeepney driver na hindi pa man din nakakaupo yung sakay nila, eh papaandarin na yung sasakyan, siyempre, may tendency na mabuwal yung pasahero. Meron din naman, hindi pa nakakababa yung pasahero, papaandarin din, kaya, pwedeng madapa yung pasahero. 
  7. ‘Keep the change’ Policy? - Madalang ko naman maexperience ‘to. May mga driver kasi na, kahit PhP8.00 lang dapat yung pamasahe mo dahil malapit ka lang, tapos PhP20.00 ang binigay mo, ang isusukli sa’yo ay PhP10.00 nalang. Wala ka naman sanang sinabing “Keep the PhP2.00 change nalang din Kuya.”
  8. Memetayt - Siyempre, pag sa jeep ka sumakay, may makakatabi ka, pero ang iba naman, ginagawa ka pang unan. :))
  9. Mga pasaherong akala mo sila lang ang tao sa jeep - Sila yung mga tipong wagas kung makapag-ingay sa jeep, akala mo walang ibang nakasakay dun.
  10. Mga pasaherong may B.O. - Buti nalang hindi ko pa ‘to naeexperience. HAHAHA. Kawawa ka nalang talaga pag nakasakay ka ng ganito. :))



posted: 06/6/12 ·1 ♥ · reblog

Sinong slow sa'min? -_____- 


tags: #HAHAHA